BISCAST, CBSUA, nagsanib-puwersa sa Food Tech

BISCAST, CBSUA, nagsanib-puwersa sa Food Tech

LUNGSOD NG NAGA — Pinalakas ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang kanilang ugnayan sa larangan ng Food Technology sa paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Agosto 11, 2026, sa Royale Emelina.

Saklaw ng MOA ang adjunct faculty at laboratory support para sa Bachelor of Science in Food Technology (BSFT) program ng dalawang institusyon.

Para sa BISCAST, nilagdaan ito nina SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD; Vice President for Academic Affairs Dr. Apolonia C. Sebello; at College of Science Dean Dr. Amante T. Ama.

Kinatawan naman ang CBSUA nina SUC President IV Dr. Alberto N. Naperi; Vice President for Academic Affairs Dr. Melinda P. Pan; at College of Engineering and Food Sciences Dean Dr. Glaiza J. Visitacion.

Saksi sa seremonya sina BISCAST BSFT Program Chairperson Ms. Julie Amor D. Zantua at CBSUA BSFT Program Chairperson Prof. Alessandra D. Bautista.

Isinagawa ang MOA signing kasabay ng AACCUP Institutional Accreditation General Orientation and Workshop na pinangunahan ng BISCAST.

Sa kasunduang ito, mas mapapalakas ang pagtuturo at pagsasanay sa Food Technology sa rehiyon, kasabay ng higit pang pagpapatibay sa matagal nang ugnayan ng dalawang institusyon.

Better, brighter, boundless BISCAST!

Back to News