BISCAST, Brgy. Carolina, lumagda sa MOA para sa kabuhayan ng mga senior citizen

BISCAST, Brgy. Carolina, lumagda sa MOA para sa kabuhayan ng mga senior citizen

LUNGSOD NG NAGA — Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST), sa pamamagitan ng College of Education Extension Services Unit, at Pamahalaang Barangay ng Carolina noong Hulyo 30, 2026, sa Carolina Barangay Hall.

Sa temang “Empowering Senior Citizens through Sustainable Skills and Livelihood Training: An Extension Partnership,” layunin ng programa na magbigay ng skills at livelihood training para sa mga senior citizen.

Bilang mga kinatawan ng BISCAST, nilagdaan nina SUC President II Prof. Charlie P. Nacario, PhD; REPED Director Prof. Ana Sheryl Lynn S. Catura; at College of Education Dean Dr. Rosalie S. Magistrado ang kasunduan.

Dumalo rin sa seremonya si Program Leader Dr. Maria Christina G. Remoquillo, kasama ang mga Project Leader na sina Ms. Araceli Q. Rosari, Dr. Francia C. Bihag, Dr. Maria Lourdes O. Padua, Dr. Lelit M. Odiame, Ms. Wennie Rose P. Camba, at Ms. Anabelle Asares, na mangunguna sa pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng programa.

Kinatawan naman ang Barangay Carolina ni Punong Barangay Hon. Leoncio Lobuit, kasama sina Senior Citizens Carolina Chapter President Ms. Belen Boragay at Hon. Kgd. Salvacion D. Boragay ng Committee on Education.

Sa inisyatibang ito, patuloy na pinalalawak ng BISCAST ang community-based extension services nito upang mas maraming sektor ng komunidad ang maabot ng mga programang pangkabuhayan at serbisyong tumutugon sa kanilang pangangailangan.

Better, brighter, boundless BISCAST!

Back to News